Nash magreretiro na
LOS ANGELES – Inihayag ni Los Angeles La-kers guard Steve Nash ang kanyang pagreretiro para tapusin ang kanyang 19-year NBA career na tinampukan ng dalawang MVP awards.
Matapos makita sa 65 laro sa nakaraang tatlong seasons dahil sa mga injuries, pinormalisa ng 41-an-yos na Canadian playmaker ang kanyang pagreretiro sa pamamagitan ng liham sa The Players’ Tribune, ang website kung saan siya isang senior producer.
“I will likely never play basketball again,’’ wika ni Nash, hindi pa nakakalaro ngayong season. “It’s bittersweet. I already miss the game deeply, but I’m also really excited to learn to do something else.’’
Ang eight-time All-Star ay ikatlo sa NBA history sa kanyang 10,335 assists sa ilalim nina John Stockton at Jason Kidd.
Si Nash ay ang best free-throw shooter sa NBA history sa itinalang 90.4 percent para ungusan si Mark Price.
Sa pasasalamat sa kanyang mga naging teammates at mentors sa kanyang liham, isinulat din ni Nash ang kanyang pagmamahal sa basketball pati na sa pagpapaunlad nito.
“The greatest gift has been to be completely immersed in my passion and striving for something I loved so much - visualizing a ladder, climbing up to my heroes,’’ wika ni Nash. “The obsession became my best friend.’’
Bagama’t hindi na-ging maganda ang kanyang paglalaro sa Lakers, matatandaan naman si Nash sa kanyang kampan-ya para sa Phoenix Suns.
Binago ng matinik at sharp-shooting point guard na si Nash ang laro sa NBA at nanalo ng league MVP awards noong 2005 at 2006 sa paglalaro para kay Suns coach Mike D’Antoni.
- Latest