Tigresses nakapuwersa ng sudden death sa UAAP softball step-ladder semis

Laro Bukas (Rizal Memorial Baseball Stadium)

9 a.m. – UP vs UST (step-ladder semis)

 

MANILA, Philippines - Nagposte ang University of Santo Tomas ng 7-2 panalo kontra sa University of the Philippines upang ipuwersa ang sudden death sa UAAP Season 77 softball step-ladder semifinals kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.       

Muling maghaharap ang UP at UST batters bukas sa alas-9:00 ng umaga upang malaman kung sino ang haharap sa Adamson University sa finals.

Nasundan ng Tigresses ang kanilang 4-3 panalo kontra sa National University sa unang step-ladder match noong Miyerkules.

Ito ang ikaanim na panalo ng Tigresses sa huling pitong laro matapos malasap ang 0-12 decision kontra sa Lady Falcons noong Feb. 21.       

Bumawi ang UST sa 4-7 pagkatalo sa Lady Maroons na naghabol ng three-run deficit sa pag-iskor ng lima sa fifth inning sa playoff para sa No. 2 seed.

Show comments