^

PM Sports

May ibubuga pa si Torres

Pang-masa

STA. CRUZ, Laguna, Philippines -- Hindi pa panahon para igarahe si Marestella Torres.

Ito ang ipinakita ng 34-anyos, two-time Olympian at four-time SEAG gold medalist sa women’s long jump, nang dominahin ang paboritong event sa idinaraos na Philippine National Open-Invitational Athletics Championships sa Laguna Sports Complex dito.

Sa ikalimang lundag naikasa ni Torres ang 6.47m upang ilagay ang sarili bilang patok sa ginto sa Singapore SEAG dahil hinigitan niya ang  6.39m na ginawa ni Maria Natalia Londa ng Indonesia noong 2013 Myanmar edition.

Marami ang naniwalang tapos na ang career ni Torres nang na-foul ang lahat ng tatlong attempts sa Asian Games. Ito ang una niyang malaking kompetis-yon matapos mamahinga noong 2013 dahil isinilang niya ang kanilang unang anak ni Eliezer Sunang.

“Last year ay nakakatalon ako pero wala pa ang confidence at consistency ko. Pero ngayon, mas matured ako at focus sa SEA Games at naniniwala akong kaya kong higitan ang 6.71m best jump ko noong 2011,” ani Torres, ang SEAG at Philippine record holder sa event na ito.

Pumangalawa si Katherine Khay Santos sa 6.25m at sapat na ito para makakuha ng puwesto sa Singapore dahil higit ito sa 6.24m ni Thitima Muangjan ng Thailand na nanalo ng pilak sa Myanmar.

Hindi rin pumayag ang tubong Baguio City na si Santos na masayang ang tatlong buwang pagsasanay sa US sa ilalim ni coach Gerry Cablayan nang daigin niya ang dalawang dayuhan tungo sa ginto sa 100-m run sa kompetisyong inorganisa ng PATAFA at suportado ni Laguna Governor Ramil Hernandez.

May 11.99 segundo tiyempo si Santos para manaig kina Ireen Akter ng Bangladesh (12.70) at Joy Kuan ng Singapore (12.83).

Ang men’s title ay napunta kay Fil-Am Brandon Thomas sa 10.80 segundo winning time at tinalo niya si Eddie Edward Jr. ng Sabah, Malaysia na may 10.89 oras.

Lumabas ang masidhing hangarin ng 24-anyos na si Thomas na mapabilang sa national team dahil tiniis niya ang  pulled hamstring sa kaliwang binti sa huling 20-metro sa karera para makuha ang ginto.

“I felt a pop in the last 20m of the race,” wika ni Thomas na sumubsob pa matapos tumawid sa meta. “I’ve been in this situation before and when I go back to the States, I have a good trainer who will take care of me. I will be back for the SEA Games for the 4x100 relay.”

Ang isa pang Fil-Am na nagta-tryout sa national team slot na si Donovant Arriola ay kampeon sa men’s long jump (7.59)  habang ang 2013 SEAG gold medalist sa 3000m steeplechase Christopher Ulboc ang hari rin sa nasabing event (9:09.73).

Tumutulong sa kompetisyon ang Philippine Sports Commission (PSC) bukod pa sa Laguna Water, Pacific Online Scratch it KaskaSwerte, Papa John’s, Foton Philippines, PCSO, Smart, PLDT, Summit Natural Drinking Water, SSS, PAGCOR, Milo, Gatorade, L TimeStudio at Asics Watch. (AT)

ASIAN GAMES

ASICS WATCH

BAGUIO CITY

CHRISTOPHER ULBOC

DONOVANT ARRIOLA

DRINKING WATER

EDDIE EDWARD JR.

ELIEZER SUNANG

FIL-AM BRANDON THOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with