Day 1 ng sparring: Natuwa si Manny
MANILA, Philippines – Natuwa si Manny Pacquiao sa kanyang ipinakita matapos ang unang araw ng kanyang sparring session sa Wild Card Gym bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa laban kontra kay Floyd Mayweather Jr. sa May 2 sa Las Vegas, Nevada.
“After 13 days of strength and conditioning and boxing drills at Wild Card plus weeks more of working out in the Philippines in February, it was great to finally put on the headgear and spar,” pahayag ni Pacquiao sa report ng ESPN.com.
Sa unang dalawang rounds, ka-sparring ng fighting congressman si Edis Tatli ng Finland na isang lightweight at may record na 24-1, kasama ang 8 KOs.
Isinunod niya si Kenneth Sims Jr., 21-gulang na junior welterweight mula sa Chicago na may 5-0 (2 KOs) card.
Si Freddie Roach mismo ang pumili kina Tatli at Sims na maging sparring partners ni Pacquiao dahil ang dalawang ito ay kayang gayahin ang style ni Mayweather.
Nasiyahan naman si Pacquiao sa mga pinili ni Roach.
“My sparring partners gave me good work today. They were perfect for testing the stra-4tegy Freddie and I have developed to beat Floyd Mayweather. I was very happy with my stamina and speed today,” ani Pacquiao.
Samantala, matapos ang Nevada State Athletic Commission, ang United States Anti-Doping Agency (USADA) naman ang gumawa ng random drug testing kay Pacquiao kahapon.
Sinabi ng Filipino world eight-division champion na ilan pang sorpresang drug testing ang gagawin ng USADA sa kanya habang papalapit ang laban.
- Latest