Army, Navy wagi sa Seasports Festival

MANILA, Philippines - Nakamit ng Philippine Army sa ikaapat na pagkakataon ang kampeonato sa men’s open division ng dragon boat competition sa  Manila Bay Sea-sports Festival habang nakopo naman ng Philippine Navy ang titulo sa women’s division  at Mixed Open division.

Ang mga batikang bangkero mula sa Cadiz City at Agoo, La Union naman ang nanguna sa bancathon. Humarurot ng husto sina Jerin Pasignalin lulan ang ‘Lourd Cedric’ para sa titulo sa Formula Race habang pinaarangkada ni Ruben Quero ang ‘Angielyn’ upang manguna sa Stock Race.

Ang 2015 Manila Bay Seasports Festival, dinaluhan ni Liz Villaseno  ng Manila Tourism & Cultural Affairs Office bilang kinatawan ni Mayor Joseph Estrada ay handog ng Manila Broadcasting Company, Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Cobra Ener-gy Drink, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Cignal, My Juiz at Herco bilang official distributor ng mga makinang Briggs at Stratton.

Show comments