ORLANDO, Fla. – Kaagad na nagbalik sa kanyang regular na trabaho si Kyrie Irving.
Umiskor ang All-Star guard ng 33 points at nagdagdag si J.R. Smith ng 25 para pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa 123-108 panalo laban sa Orlando Magic.
Nagtala si Irving ng 12-for-15 fieldgoal shooting at may 4-for-6 sa free throw line sa kanyang unang laro matapos umiskor ng NBA-high na 57 points sa 128-125 overtime win ng Cavaliers laban sa San Antonio Spurs.
Tumipa siya ng 5-for-6 sa 3-point range.
“Someone did ask me, ‘What do you do for an encore for that?’ I didn’t have a good answer,’’ sabi ni Cleveland coach David Blatt. “But 12-for-15 from the field, 33 points in 34 minutes, that’s a pretty good encore.’’
Tumapos naman si LeBron James ng 21 points, 13 assists at 8 rebounds para sa Cavaliers, naipanalo ang apat na sunod na laro at anim sa kanilang huling pitong laban.
Binanderahan ni Victor Oladipo ang Magic sa kanyang 25 points kasunod ang 24 ni Tobias Harris.