Painters pasok sa Quarterfinals

MANILA, Philippines – Rumesbak ang Rain or Shine mula sa 18-point deficit sa first half para talunin ang Barangay Ginebra, 82-79 at dumiretso sa quarterfinal round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sumosyo ang Elasto Painters sa ikalawang posisyon kasama ang nagdedepensang Purefoods Hotshots at Talk ‘N Text Tropang Texters sa magkakatulad nilang 6-3 record.

Isinalpak ni import Wayne Chism ang dalawang free throws sa natitirang 8.6 segundo para sa 82-79 kalamangan ng Elasto Painters matapos ang turnover ng bagong pasok na si Mac Baracael.

Si Baracael din ang tumirada ng huling basket ng Ginebra sa pagtunog ng final buzzer.

Dalawang Gin Kings fans ang inilabas sa venue dahil sa pambabato ng bote ng mineral water kay Beau Belga, nakabuhulan ni Mark Caguioa sa 5:26 minuto ng final canto at sa bench ng Elasto Painters.

Sa unang laro, pinala-kas ng NLEX ang kanilang tsansa sa eight-team quarterfinals cast matapos gibain ang Globalport, 94-81 para sa kanilang pang-apat na dikit na ratsada.

Kumamada si Niño ‘KG’ Canaleta ng season-high na 29 points, tampok dito ang anim na tres, para sa Road Warriors kasunod ang 19 ni import Al Thornton at 14 ni Aldrech Ramos.

Umiskor naman ang bagong import na si Derrick Caracter ng 27 points sa panig ng Batang Pier, natikman ang kanilang pangalawang dikit na kamalasan.

NLEX 94 - Canaleta 29, Thornton 19, Ramos 14, Taulava 8, Lingganay 7, Villanueva E. 4, Borboran 4, Baloria 3, Cardona 2, Villanueva J. 2, Arboleda H. 2.

Globalport 81 - Caracter 27, Romeo 19, Semerad 12, Jensen 8, Nabong 6, Miranda 5, Espinas 3, Ponferrada 1, Buenafe 0, Isip 0, Pinto 0.

Quarterscores: 20-16; 40-36; 65-53; 94-81.

RAIN OR SHINE 82 - Chism 28, Lee 18, Belga 11, Quiñahan 8, Ibañes 6, Almazan 5, Uyloan 2, Araña 2,Cruz 2, Norwood 0, Chan 0, Tiu 0.

Ginebra 79 - Dunigan 24, Slaughter 10, Aguilar 9, Ellis 9, Caguioa 8, Tenorio 7, Yeo 7, Monfort 3, Baracael 2, Pena 0.

Quarterscores: 15-24, 38-48, 65-63, 82-79.

Show comments