^

PM Sports

Manny, Floyd pumayag sa USADA

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dapat ingatan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. ang anumang bagay na ipinapasok nila sa kanilang mga katawan bago ang kanilang salpukan sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang babala ng US Anti-Doping Agency, ang mangangasiwa sa random drug testing para kina Pacquiao at Mayweather.

“It’s a strong statement of the importance of clean and safe competition to have these two fighters voluntarily agree to have a WADA-level anti-doping program implemented for this fight. We commend them for their stand for clean sport and the message it sends to all those who want to compete clean at the highest levels of all sport,” sabi ni USADA Chief Executive Travis Tygart sa panayam ng Los Angeles Times.

Nagkasundo sina Pacquiao at Mayweather na ang USADA ang hahawak sa kanilang random drug testing procedure.

Anumang oras, umaga man o gabi, ay maaaring kolektahin ng USADA ang urine o blood samples nina Pacquiao at Mayweather.

Ang sinuman kina Pacquiao at Mayweather na mapapatunayang gumagamit ng performance-enhancing drugs (PEDs) ay haharap sila sa four-year ban na ginagawa din sa mga Olympic athletes.

Kapwa pumayag ang 36-anyos na si Pacquiao at ang 38-anyos na si Maywea­ther na sumailalim sa USADA procedures para maipakita na malinis ang kanilang mga katawan sa PEDs.

ANTI-DOPING AGENCY

ANUMANG

CHIEF EXECUTIVE TRAVIS TYGART

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

LOS ANGELES TIMES

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with