Whiteside suspindido ng 1-game
MIAMI – Sinuspindi ng NBA si Miami Heat center Hassan Whiteside ng isang laro na without pay matapos tirahin si Boston Celtics center Kelly Olynyk sa kanilang laro noong Lunes, ayon sa pahayag ng Liga nitong Martes.
Si Whiteside na nakipagkamay kay Olynyk at humingi ng paumanhin ay hindi lalaro nitong Miyerkules sa pagharap ng Heat kontra sa Brooklyn Nets – isa sa koponang kalaban nila para sa Eastern Conference playoff spot.
Humingi rin ng paumanhin si Whiteside sa mga fans at mga teammates niya.
“I feel like I let them down,’’ sabi ni Whiteside bago pa ihayag ng liga ang inaasahan nang desisyon. “It can’t happen again. We’re in a playoff hunt. It was just a terrible decision on my part.’’
Siniko ni Whiteside si Olynyk sa batok sa third quarter ng kanilang 100-90 panalo ng Boston sa Mia-mi. Si Whiteside ay napatalsik sa laro sa ikalawang pagkakataon sa huling apat na laro at hindi itinago ng kanyang mga kakampi kabilang si Heat star Dwyane Wade ang kanilang pagkadismaya sa kanya.
- Latest