MANILA, Philippines – Sa kanilang unang gym work sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood, California ay nagulat si chief trainer Freddie Roach sa mga ikinilos ni Manny Pacquiao.
May ibang naiisip si Roach tungkol sa ipinakita ni Pacquiao.
Sinabi ni Roach na posibleng pinapanood ni Pacquiao ang mga laban ni Floyd Mayweather, Jr. sa YouTube para mapag-aralan ang mga galaw ng American fighter.
“We did six rounds on the mitts. And we have the same ideas on how to fight Floyd,” sabi ng Hall of Fame trainer sa Filipino world eight-division champion. “Usually I came up with something. But we’re on the same page.”
Nanggaling si Roach sa Macau, China kung saan natalo ang kanyang estud-yanteng si Chinese two-time Olympic gold medalist na si Zou Shiming sa una nitong world title fight.
Kaagad silang nagsanay ni Pacquiao para paghandaan ang laban kay Mayweather sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“My sparring sessions will start next week. Coach Freddie had already hired two tough guys who can help me in my preparation,” sabi ni Pacquiao.
Para mas tutukan ni Pacquiao ang kanilang training camp ay naghigpit sa kanyang boxing gym si Roach kung saan walang mga usisero ang pinapayagang makapasok.
Sinabi ni Roach noon na inalok ng maimplu-wensiyang advicer ni Mayweather na si Al Haymon, ng pera ang ilang potential sparmates para sa fighting congressman para hindi sila makipagtulungan kaya ayaw niyang sabihin kung sino ang kanyang mga sparring partners.
“Hindi ko pa alam ang mga pangalan nila at kahit alam ko na, hindi ko pa rin sasabihin dahil baka kasi ‘‘lagyan” nila ng pera,” sabi pa ni Pacquiao. (RC)