Pacquiao dedma sa mga balita ukol kay Mayweather

MANILA, Philippines - Ipinagkibit-balikat lang ni Manny Pacquiao ang mga balitang pagpapabagsak ni Floyd Mayweather, Jr. sa kanyang mga sparring partners.

Ayon sa report ni Aquiles Zonio ng Philboxing.com, dedma si Pacquiao sa mga balita ukol kay Mayweather at umaasa siyang totoo nga ang mga ito.

“I hope the reports were true. He (Mayweather) should be aggressive during our fight so we can make the fans happy. We all knew how he fights,” pahayag  ni Pacquiao.

Sinabi rin ni Pacquiao na hindi siya bilib kay Mayweather sa mga huli niyang laban.

“In fact, his previous fights lulled me to sleep,” komento ni Pacquiao.

Ang Las Vegas-based na si Mayweather ay hindi kilalang heavy puncher at umaasa lamang siya sa kanyang boxing skills at defense.

Sa 47 fights, 26 lamang ang napigilan ng unbeaten American at hindi ito ikinakatakot ni Pacquiao.

“I hope, this time he would be man enough to take some risks. He should prove to the world that he’s a real and fearless fighter, not a runner,” ani Pacquiao.

Si Pacquiao ay kasalukuyang nagsasanay sa Wild Card Gym sa Los Angeles.

Sa susunod na dalawang buwan ay susubukan niyang gawin ang hindi nagawa ng naunang 47 fighters – ito ay ang talunin si Mayweather.

“This fight should live up to its billing. We owe this to the fans. They should get the kind of entertainment they want,” ani Pacquiao.

Nagpatuloy sa pagsasanay si Pacquiao matapos magpahinga nitong weekend ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na niya ang kanyang trainer na si Freddie Roach na dumating galing Macau, China kung saan sinamahan niya ang isa pa niyang alaga na si Zou Shiming ng China na natalo kay Amnat Ruenroeng noong Sabado.

Show comments