Galang out sa Finals

MANILA, Philippines - Kailangang makitaan ng tibay ng loob ang La Salle Lady Archers sa pagsagupa laban sa nagdedepensang kampeong Ateneo Lady Eagles sa UAAP women’s finals dahil hindi nila makakasama ang pambatong manlalaro na si Ara Galang.

Ang spiker na si Galang ay nagkaroon ng ACL at MCL tear bukod pa sa medial meniscus tear at bone bruise na na-ngangailangan ng operas-yon upang maiayos  ang kanyang kaliwang tuhod.

Sa kaliwang paa bumagsak si Galang matapos pakawalan ang matinding kills tungo sa 23-20 bentahe sa National University Lady Bulldogs sa knockout game noong Sabado.

Pero ang momentum ng kanyang katawan ay hindi kinaya ng kanyang tuhod at napilipit ito upang bumagsak at namilipit sa sakit si Galang.

“It’s one of her finest game,” wika ni La Salle coach Ramil de Jesus kay Galang na gumawa ng 21 kills  at apat na blocks tu-ngo sa 25 puntos para pa-ngunahan pa ang koponan sa 26-24, 21-25, 25-18, 25-21 panalo.

Sa Miyerkules na gagawin ang Finals at ang LadyEagles ay may bitbit pang thrice-to-beat advantage matapos walisin ang 14-game elimination.

Dahil dito, dapat na makitaan ng magandang pagtutulungan ang mga players na gagamitin ni De Jesus para maipaghiganti ang tinamong pagkatalo sa Lady Eagles noong nakaraang taon na kung saan ang Lady Archers ang siyang may thrice-to-beat advantage.

Si Galang ang ikalawang manlalaro sa liga na hindi nakatapos ng paglalaro dala ng knee injury.

Ang una ay ang UP spiker na si Katherine Bersola na nagkaroon ng ACL sa laro laban sa Adamson Lady Falcons noong Enero 7 na pinagwagian din ng Lady Maroons.

 

Show comments