^

PM Sports

Pacquiao hindi pa magreretiro - Roach

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Anuman ang ma­ging resulta ng super fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. ay hindi pa rin magreretiro ang Fi­­lipino world eight-division champion.

Ito ang paniniwala ng kanyang chief trainer na si Freddie Roach.

“I don’t think so because he’s so good at bo­xing and still loves to do it,” wika ni Roach sa pa­na­yam ng USA Today.

Mas naging abala si Pac­quiao matapos maging playing coach ng Kia Carnival sa PBA bukod pa sa pagiging Congressman ng Sarangani.

Ilang beses na ring si­nabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na ma­giging mahusay na Pre­sidente ng Pilipinas si Pacquiao sakaling magdesisyon itong kumandidato.

Kinatigan naman ito ni Roach.

“I think he wants to (eventually) become the pre­sident of his country, and I think he’ll be old enough in a couple of years,” sabi ni Roach.

Ang 55-anyos na si Roach ay kasalukuyang nasa Macau, China para sa paghahamon ni Chinese two-time Olympic gold medalist Zou Shiming kay IBF ‘World’ flyweight king Amnat Ruenrong ng Thailand.

Matapos ang laban ay agad na didiretso si Roach sa kanyang Wild Card Bo­xing Club sa Holly­wood, California para sa training camp ni Pacquiao.

Ayon kay Roach, na­raramdaman ni Maywea­ther ang pressure dahil sa hangarin nitong mapa­natiling malinis ang kanyang 47-0-0 win-loss-draw ring record, kasama dito ang 26 knockouts.

“So yes, we do feel more pressure than usual. But I think the real pressure is on Floyd,” ani Roach sa 38-anyos na Ame­rican fighter na hin­di pa nakakatikim ng pag­katalo sa kanyang 47 la­ban.

“That “0” means more to him than anything. It’s his identity. And the further along he goes with each fight, the heavier the pressure is on him,” dagdag ni Roach sa dinada­lang pressure ng American world five-division tit­list.

AMNAT RUENRONG

BOB ARUM

BUT I

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

KIA CARNIVAL

ROACH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with