^

PM Sports

Nakatikim ng panalo ang Toronto Raptors

Pang-masa

PHILADELPHIA -- Nangailangan ang Toronto Raptors ng produksyon para pigilin ang kanilang pagbulusok.

At ipinakita ni DeMar DeRozan ang kanyang pinakamahusay na laro ngayong season.

Umiskor si DeRozan ng season-high na 35 points, habang nagdagdag ng 21 si Lou Williams para igiya ang Raptors sa 114-103 panalo kontra sa Philadelphia 76ers at wakasan ang kanilang five-game losing slump.

“I called this game,’’ sabi ni guard Greivis Vasquez kay DeRozan, “I said, ‘You’re going to have 40 tonight.’’’

Ipinahinga naman ni Toronto coach Dwane Casey si All-Star at Philadelphia native Kyle Lowry.

At maski wala ang kanilang leading scorer sa lineup para sa ikalawang sunod na laro ay nanalo pa rin ang Raptors sa unang pagkakataon matapos noong Feb. 20.

Nauna nang naipatalo ng Raptors ang kanilang huling limang laro.

Hawak pa rin nila ang No. 2 seed sa Eastern Conference laban sa Chicago Bulls.

Tumipa si Patrick Patterson ng 15 points para sa Raptors kasunod ang 12 ni Vasquez.

“It was more fun,’’ ani Vasquez. “We just had competition shooting. There wasn’t too much pressure. Sometimes, we lose sight of the things we have done. And we’ve done some great things.’’

CHICAGO BULLS

DWANE CASEY

EASTERN CONFERENCE

GREIVIS VASQUEZ

KYLE LOWRY

LOU WILLIAMS

PATRICK PATTERSON

TORONTO RAPTORS

VASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with