^

PM Sports

Westbrook inoperahan ang buto sa pisngi

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sumailalim si Oklahoma City guard Russell Westbrook sa operasyon upang ayusin ang kanyang nabaling buto sa pisngi at hindi siya makakalaro sa susunod na game ng Thunder, ayon sa pahayag ng team  nitong Sabado.

Natuhod si Westbrook sa mukha noong Biyernes kontra sa Portland at di rin makakalaro sa laban kontra sa Los Angeles Lakers nitong Linggo.

Wala sa timing ang operasyon dahil mainit si Westbrook noong February sa kanyang average na 31.2 points, 10.3 assists at 9.1 rebounds.

Dahil wala rin si reigning MVP Kevin Durant sa Oklahoma City lineup dahil sa injury, si Westbrook ang nagdadala ng team.

Ang 26-year-old ang napiling MVP sa nakaraang NBA All Star Game at nababanggit ang kanyang pangalan para sa MVP ng season.

Si Westbrook ay nag-a-average ng 26.5 points, 8.1 assists at 6.8 rebounds para sa Thunder, na kasalukuyang nasa eighth at final playoff spot sa Western Conference.

ALL STAR GAME

BIYERNES

DAHIL

KEVIN DURANT

LOS ANGELES LAKERS

OKLAHOMA CITY

RUSSELL WESTBROOK

SI WESTBROOK

WESTBROOK

WESTERN CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with