^

PM Sports

Tapos na ang malulungkot na araw ng Knicks

Pang-masa

NEW YORK — Umiskor si Tim Hardaway Jr. ng 22 points, pumukol si Langston Galloway ng pampanalong triple nang wakasan ng New York ang malulungkot na araw ng prangkisa sa pagpapalasap sa Toronto ng kanilang season-high  na ika-5 sunod na talo, 103-98.

Matapos simulan ang gabi sa pamamagitan ng katahimikan upang ipagdasal si dating Knicks forward Anthony Mason na namatay noong Sabado sa edad na 48, tinapos nila ito ng pagdiriwang ng kanilang ikalawang sunod na panalo.

Ang 13-year NBA veteran ay may malalang sakit sa puso, ayon sa kanyang anak na si Anthony Mason Jr. sa statement sa website ng Knicks.

Umiskor ang dating Raptors center na si Andrea Bargnani ng 19 points habang ang baguhang si Ale-xey Shved ay may 15 points para sa Knicks.

Umiskor naman si Lou Williams ng 22 points para sa Raptors na bumagsak sa pakikipagtabla sa Chicago sa ikalawang puwesto sa Eastern Conference at may half-game na kalamangan lamang laban sa Cleveland para sa fourth place.

Pinagpahinga ni Toronto coach Dwane Casey si All-Star Kyle Lowry.

Sa Phoenix, kumamada si Kawhi Leonard ng 22 points at 10 rebounds nang dominahin ng San Antonio ang laban kontra sa Phoenix.

Lamang ang Spurs, sumalang sa huling laro ng kanilang taunang nine-game road trip sa 51-24 sa halftime break na siyang pinakamababang iniskor ng Suns sa isang half sa franchise history. Lumamang ang San Antonio  ng hanggang 34 sa second half.

Umiskor si Marcus Morris ng 15 sa kanyang 19 points sa fourth quarter, nang umiskor ang Phoenix ng 33 upang maiwasang abutin ang team record para sa pinakamababang produksiyon sa isang laro na 68 kontra sa Kansas City,  34-taon na ang nakakaraan.

Tumapos sina Danny Green, Boris Diaw at Aron Baynes ng tig-12 points para sa Spurs.

ALL-STAR KYLE LOWRY

ANDREA BARGNANI

ANTHONY MASON

ANTHONY MASON JR.

ARON BAYNES

BORIS DIAW

DANNY GREEN

DWANE CASEY

SAN ANTONIO

UMISKOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with