Beasley kinuha uli ng Miami
MIAMI -- Muling kinuha ng Miami Heat si Michael Beasley sa ikatlong pagkakataon matapos lumagda ng 10-day contract noong Huwebes sa koponang humirang sa kanya bilang No. 2 overall pick pitong taon na ang nakakaraan.
“It feels ‘like I never left, honestly,” sabi ni Beastley sa kanyang pagbabalik sa Miami.
Nakilahok si Beasley sa isang optional practice sa New Orleans noong Huwebes kung saan niya ipinakita ang mahusay niyang shooting at nagpamalas ng one-handed dunk bago iwanan ang court. Inaasahan siyang maglalaro sa laban ng Heat kontra sa Pelicans sa Biyernes.
“I feel great,’’ sabi ni Beasley. “I’m definitely blessed and humbled for yet another opportunity and I’m ready to take it by storm.’’
Ang pagkuha ng Miami kay Beas-ley ay ukol sa pagkawala ni All-Star forward Chris Bosh ngayong season dahil sa blood clots sa kanyang baga. Ang Miami (25-31) ay No. 7 sa Eastern Conference standings.
- Latest