National Cheerdance Championships sa Peb. 28

MANILA, Philippines - Magtutuos ang mga top teams sa bansa sa paghataw ng 2015 National Cheerleading Championships sa Pebrero 28 at Marso 1 sa SM Mall of Asia Arena.

Ang mga qualifiers mula sa NCR leg ang makakasama ng mga koponan buhat sa North, Central at South Luzon, Visayas at Mindanao para madetermina ang tunay na national champion.

Kabuuang 75 teams ang mapapanood bukas sa All Girls divisions sa juniors, high school at college levels.

Sa Linggo ay 50 teams ang maglalaban sa Co-Ed at Special Divisions sa high school at college level.

Idinagdag sa event ang all-Stars na magtatampok sa mga alumni cheerers mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa open format.

Idedepensa ng five time national champions Central Colleges of the Philippines ang kanilang titulo kagaya ng two-time UAAP titlists National University at eight-time NCAA champions University of Perpetual Help System DALTA.

Ang mga tiket ay mabibili sa SM Tickets.

Show comments