NEW ORLEANS – May ideya na ngayon si Pelicans coach Monty Williams kung gaano kadeterminado ang kanyang undermanned squad na manatiling palaban sa Western Conference playoff race.
Tinapos ni Alexis Ajinca ang 16-point performance sa pamamagitan ng go-ahead layup sa final minute nang burahin ng New Orleans ang 18-point deficit tungo sa 100-97 panalo kontra sa Toronto Raptors nitong Lunes ng gabi.
“A lot of character being displayed on the floor,’’ sabi ni Williams matapos magtala ang Pe-licans ng pinakamalaking comeback win ngayong season na hindi kasama si All-Star Anthony Davis na may sprained right shoulder, Ryan Anderson na may sprained right knee at Jrue Holiday na may lower right leg injury). “It was a total team effort. You don’t get to say that a lot when you’re coaching sports, but tonight was for sure.’’
Nagtala si Luke Babbitt ng season-high na 18 para sa New Orleans, kabilang ang 3-pointer na nagbigay sa Pelicans ng unang kalamangan sa laro, 1:55 minuto na lang ang natitira sa oras.
Ang bagong salta sa team na si Norris Cole ay may 15-puntos para sa New Orleans habang nagdagdag si Omer Asik ng 14 points at 11 rebounds, si Tyreke Evans ay may 13 points at 12 assists.
Si Kyle Lowry ay may 22-points para sa Toronto ngunit nagmintis ng dri-ving layup na nagbigay sana sa kanila ng kalamangan, may 6 segundo na lang ang natitira nang masupalpal siya ni Asik na siyang nakakuha ng rebound.
Ipinasok ni Jimmer Fredette ang dalawang free throws para sa New Orleans, bago nagmintis ang panablang 27-foot attempt ni Lowry.
Bagama’t nangungu-na pa rin ang Toronto sa Atlantic Division, kailangan namang makakuha pa ng ilang panalo ang Pelicans na dalawang laro na lang ang layo sa Oklahoma City para sa final playoff spot sa Western Conference.
Sa Los Angeles, sunud-sunod ang panalo ng Memphis Grizzlies mula nang dumating si Jeff Green pero ang Los Angeles Clippers ay nawala sa wisyo nang magka-injury si Blake Griffin.
Umiskor si Mike Conley ng 18 points, nagdagdag si Jeff Green ng 16 habang si Marc Gasol ay may 14 upang tulungan ang Grizzlies na sumulong sa 15-3 sapul nang pumasok si Green noong Jan. 12.
Sa Houston, nagpokus si James Harden sa kanyang teammates hanggang sa nag-init siya at humakot ng 31 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikalawang triple-double ngayong season at ihatid ang Houston Rockets sa 113-102 panalo kontra sa Minnesota Timberwolves.