Cavaliers dinurog ang Wizards

WASHINGTON — Isinantabi ni LeBron James ang pagkaka-foul trouble sa first-half upang tumapos na may 28 points sa 25 minutong paglalaro lamang nitong Biyernes ng gabi at umiskor naman si Kyrie Irving ng 25 points upang pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa pagdurog sa Washington Wizards, 127-89.

Lumamang ang Cleveland ng 22 points bago mag-halftime at umabot ng hanggang 40 sa second half tungo sa kanilang ika-15 panalo sa huling 17 games.

Ang 38-point margin ang pinakamasamang pagkatalo ng Washington ngayong season. Ang Cavaliers ang koponang umiskor ng malaki laban sa Washington opponent sa first quarter (35) at first half (65).

Ang tanging pinakamalaking pagkakamali ng Cavs ay ang nagmintis na two-handed dunk ni Ke-vin Love kung saan tumama sa rim ang bola.

Si All-Star point guard John Wall ay tumapos ng 18 points at 9- assists para sa Washington.

Show comments