^

PM Sports

Inaasahang papatawan ng parusa ni Commissioner Salud Purefoods import tinawag na ‘joke’ si Pacquiao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakaharap na ni Manny Pacquiao ang mga tiniti­ngala sa boxing at maging ang mga matataas na perso­nalidad sa buong mundo kagaya nina US President Barack Obama at Prince Harry ng Royal Family.

Kaya naman hindi katanggap-tanggap ang gina­wang pambabastos sa kanya ni Purefoods Hotshots im­port Da­niel Orton.

Itinuring ni Orton ang Filipino world eight-division champion na ‘joke’ sa basketball matapos ang 84-95 ka­biguan ng Purefoods laban sa Kia Carnival ni Pacquiao sa 2015 PBA Commissioner’s Cup noong Mi­yer­kules sa Smart Araneta Coliseum.

“This game is seriously a joke. The way the game was going, the refs took the game that I know and love and they made it into a mockery,” sabi ng 6-foot-8 reinforcement sa isang panayam.

Kinutya din ni Orton ang paglalaro ng 5’6 at 36-anyos na si Pacquiao sa PBA.

“That’s the joke. That’s part of the joke I was talking about. Professional boxer, yeah, okay. Congressman, alright. Professional basketball player, no. It’s a joke. Seriously, it’s a joke,” sabi ng 6-foot-8 import.

Nalimitahan si Orton, ang dating first round pick ng Orlando Magic, sa 6 points at 3 rebounds sa loob ng 19 minuto dahil sa pagkakalagay niya sa foul trouble.

Dahil sa kanyang pahayag ay ipinatawag ni PBA Commissioner Chito Salud si Orton sa kanyang opisi­na ngayong ala-1 ng hapon para pakinggan ang panig nito.

“Wala naman kay Manny ‘yun. Knowing Manny, when you slap him in the right (cheek), he will give you his left. Pero kami sa team, siyempre nasaktan,” sabi ni Kia team manager Eric Pineda sa pambabastos ni Orton kay Pacquiao.

Samantala, ipaparada ng Rain or Shine si balik-im­port Wayne Chism laban sa Alaska, ibabandera si Da­­mon James, sa kanilang laro ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.

Si Chism, tinulungan ang Elasto Painters sa third-place finish noong nakaraang PBA Commisisoner’s Cup, ang humalili kay Rick Jackson.

Ang 27-anyos namang si James, miyembro ng San Antonio Spurs na tumalo sa Miami Heat para sa NBA championship noong nakaraang taon, ang pumalit kay DJ Covington.

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay itatampok ng Talk ‘N Text si Ivan Johnson bilang ka­palit ni Richard Howell para sa kanilang pakikipagsagupa sa NLEX na babanderahan ni NBA veteran Al Thornton.

AL THORNTON

BIG DOME

COMMISSIONER CHITO SALUD

ELASTO PAINTERS

ERIC PINEDA

IVAN JOHNSON

ORTON

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with