^

PM Sports

Hinihintay na ni Roach na magsanay si Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagama’t wala pang official announcement mula kay Floyd Mayweather, Jr. ay hinihintay na ni chief trainer Freddie Roach si Manny Pacquiao sa kanyang Wild Card Gym sa Hollywood, California para simulan ang kanilang pagsasanay.

Kahapon sa media workout ni Chinese superstar Zou Shiming sa Wild Card Gym, sinabi ni Roach na nararamdaman niyang matutuloy ang banggaan nina Pacquiao at Mayweather sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“I feel that the fight is going to happen, so I’m preparing for Pacquiao to come,” sabi ng Hall of Fame fight trainer.

Ayon kay Roach, ang madalas na pahayag ni Mayweather ukol sa estado ng kanilang laban ni Pacquiao ay senyales na matutuloy ito.

“Floyd’s been talking about it, which is very unusual, he obviously wants the fight, (Bob) Arum wants the fight, I want the fight, Manny wants the fight, and Les Moonves…he wants the fight more than all of us,” ani Roach.

Si Arum ng Top Rank Promotions ang promoter ng Filipino world eight-division champion, habang si Moonves ang top official ng cable network na HBO.

Kamakalawa ay sinabi ni Pacquiao na nagkasundo sila ni Mayweather na magpapataw ng $5 mil-lion kung sino sa kanila ang babagsak sa drug test para sa kanilang super fight.

“I’ve no problem with drug testing. In fact, in the contract, I was the one who suggested the $5-million fine if one is tested positive for drugs. I was the one who inserted that because that’s needed,” ani Pacquiao.

Ito na lamang ang maaaring ibunyag ni Pacquiao hinggil sa kanilang mga napag-usapan ni Mayweather nang bisitahin siya ng American world five-division titlist sa kanyang hotel suite sa Miami, Florida matapos manood ng laro ng Miami Heat at Milwaukee Bucks noong nakaraang buwan. (RC)

FIGHT

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

HALL OF FAME

LAS VEGAS

LES MOONVES

MAYWEATHER

PACQUIAO

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with