MANILA, Philippines – Humakot si 7-foot-2 import Solomon Alabi ng 37 points, 27 rebounds at 2 shotblocks ngunit hindi ito sapat para malasap ng Barako Bull ang kanilang ikalawang sunod na kamalasan matapos ang 3-0 panimula.
Bumangon ang Globalport Batang Pier mula sa 10-point deficit sa first period para ilampaso ang Energy, 99-81 upang umangat sa 3-3 panalo-talo sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nanggaling ang Batang Pier sa masaklap na 84-86 kabiguan sa Meralco Bolts noong nakaraang Linggo.
“The players responded well. Loss to Meralco was a lesson to us. We have to finish the game,” sabi ni rookie coach Eric Gonzales sa nasabing pagkatalo.
Matapos iwanan ng Barako Bull sa first period, 27-17, rumesbak naman ang Globalport para ilista ang 10-point lead, 59-49 sa 4:47 minuto sa third quarter mula sa drive ni No. 1 overall pick Stanley Pringle.
Nakalapit ang Energy sa pagtatapos ng naturang yugto sa 62-66, ngunit muling nakalayo ang Batang Pier sa 78-68 sa 8:41 minuto ng final canto patungo sa pagpoposte ng 14-point advantage, 89-75 sa huling 1:18 minuto ng laro.
Pinangunahan ni guard Terrence Romeo ang Globalport sa kanyang 24 points, habang humakot si import Calvin Warner ng 23 markers, 19 boards, 4 assists, 4 steals at 3 shotblocks.
Nagdagdag si Pringle ng 14 points, 8 rebounds at 2 assists.
Kasalukuyan pang naglalaro ang nagdedepensang Purefoods at ang Kia habang isinusulat ito.
GLOBALPORT 99 - Romeo 24, Warner 23, Pringle 14, Isip 14, Buenafe 7, Jensen 7, Miranda 4, Semerad 4, Caperal 2, Taha 0, Ponferada 0, Pinto 0, Nabong 0, Baclao 0, De Ocampo 0.
Barako Bull 81 - Alabi 37, Lastimosa 12, Lanete 11, Pascual 6, Garcia 5, Intal 4, Chua 2, Matias 2, Hubalde 2, Salvador 0, Mercado 0, Marcelo 0, Salva 0, Paredes 0, Sorongon 0.
Quarterscores: 17-27; 45-44; 66-62; 99-81.