Castro PBA Player of the Week

MANILA, Philippines – Bagama’t nawala sa line-up ng Talk ‘N Text ang nag­­retirong si team captain Jimmy Alapag, nariyan pa si Jayson Castro para pagningasin ang kanilang kampanya sa 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Sa likod ni Castro, tinalo ng Tropang Texters ang Ba­rako Bull Energy at ang Ginebra Gin Kings sa loob ng tatlong araw para makasalo ang Purefoods Hotshots sa ikalawang puwesto sa ilalim ng Meralco Bolts.

Tumipa ang 28-anyos na si Castro ng team-high na 16 points, kasama ang dalawang mahalagang three-point baskets sa final period, para igiya ang Talk ‘N Text sa  80-75 panalo laban sa Barako Bull.

Kumamada naman ang dating Philippine Christian Uni­versity standout ng 31 points para kumpletuhin ang 104-103 comeback win ng Tropang Texters kontra sa Gin Kings.

Dahil dito, hinirang si Castro bilang Accel-PBA Press Corps. Player of the Week.

Show comments