Westbrook iginiya ang West sa panalo sa All-Star Game

NEW YORK – Pi­naghalong Broadway at basketball game, ang 2015 NBA All-Star Game ay na­ging isang West Side Story.

Umiskor si Russell West­brook ng 41 points - isang puntos lamang ang ku­lang para pantayan ang 53-year-old record ni Wilt Chamberlain - para kila­la­nin bilang Most Valuable Player matapos igiya ang West sa 163-158 panalo kon­tra sa East sa NBA All-Star Game dito sa Ma­dison Square Garden.

Nagposte ang point guard ng Oklahoma City ng record sa kanyang 27 first-half points at halos pan­tayan ang ginawa ni Chamberlain noong 1962.

Sinabi ni Westbrook na hindi niya alam na mun­tik na niyang madup­lika ang record na 42 points ni Chamberlain kun­di lamang sa ilan niyang mintis na layups.

Kabilang sa mga pi­nabilib ni Westbrook sa kan­yang laro ay sina da­ting US Presi­dent Bill Clin­ton, Jay-Z, Beyonce at ilang all-time greats ng NBA.

Si Westbrook ang na­ging ikatlong player na tumikada ng 40 points sa isang All-Star Game ma­tapos sina Chamberlain at Michael Jordan, nagpos­te ng 42 noong 1962 at 40 markers noong 1988, ayon sa pagkakasunod.

Sa first half, tinulu­ngan ni Westbrook ang West na makapagtayo ng 20-point lead na unti-un­ting napababa ng East.

Sa hawak na three-point lead ng West sa hu­­­ling mga segundo ng la­ro ay nag­­sal­pak si Westbrook ng dalawang free throws kung saan ang ika­­lawa ay sadya niyang gus­­tong i­mintis ngunit pu­ma­sok.

Nagdagdag si James Harden ng 29 points, 8  re­bounds at 8 assists para sa West na natablahan ng East sa 148-148 higit sa 4 minuto sa laro.

Umiskor si Cavaliers’ su­­per­star Le­Bron James ng 30 points pa­ra sa East.

Show comments