^

PM Sports

Bacolod City pagdarausan ng Davis Cup?

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinisipat ng Philippine Tennis Association (Philta) ang Ba­colod Ci­ty para maging venue ng Davis Cup na kung sa­an makakaharap ng Phl Team ang Sri Lanka sa Mar­so 6 hanggang 8.

Opening tie ito ng 2015 Asia-Oceania Zone Group II tie at balak ng mga pambato ng bansa na mailista ang ika-siyam na sunod na panalo sa Sri Lankan netters.

Huling naglaban ang da­lawang bansa noong 2014 sa pagbubukas ng Da­vis Cup at sina Fil-Ams Ruben Gonzales at Treat Huey ay sinamahan nina Patrick John Tierro at Johnny Arcilla.

Ang nasabing grupo ang kumuha ng 3-1 pana­lo sa labanang ginawa sa Sri Lanka.

Sa ngayon ay nasa Ba­­colod City si Philta sec­retary-general Romy Ma­gat para inspeksiyunin ang mga pasilidad kung sa­an puwedeng idaos ang aksyon sa Davis Cup  Group 2 tie.

“We want to further pro­mote the sport of tennis and one way to do it is by holding competitions like the Davis Cup in o­ther places,” wika ni Magat.

Ang Plantation Bay sa Cebu City ang madalas na pinagdarausan ng Davis Cup kung hindi ito ginagawa sa Manila.

Kinukumpuni sa nga­yon ang Rizal Memorial Tennis Center sa Malate, Manila dahil binububu­ngan ang center court nito kaya’t hindi puwedeng pag­dausan ng laro.

Ang mananalo pa rito ay papasok sa Davis Cup Finals na gagawin mula Setyembre 18 hanggang 20 at makakalaban ang lulusot sa mga nasa kabilang bracket na binubuo ng Iran, Indonesia, Kuwait at Pakistan.

ANG PLANTATION BAY

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

CEBU CITY

DAVIS CUP

DAVIS CUP FINALS

FIL-AMS RUBEN GONZALES

JOHNNY ARCILLA

SHY

SRI LANKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with