Rose, Gasol, Snell pinagtulungan ang Cavaliers

CHICAGO – Nagtuwang sina Derrick Rose, Pau Gasol at Tony Snell para ipalasap sa Cleveland Cavaliers ang ikalawang kabiguan nito sa nakaraang 16 laro.

Umiskor si Rose ng 30 points, habang kumolekta si Gasol ng 18 points at 10 rebounds at tumipa si Tony Snell ng 22 points para akayin ang Bulls sa 113-98 panalo laban sa Cavaliers.

Ipinoste ni Gasol ang kanyang ika-14 sunod na double-double, ang pinakamahaba para sa isang Bulls player matapos ang 15-game run ni Michael Jordan noong 1988-89.

Nagdagdag si Joakim Noah ng 10 points, 15 rebounds at 7 assists, habang nagtala si Taj Gibson ng 13 markers. Nagposte naman si LeBron James ng 31 points para sa Cavaliers.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Bulls matapos ipanalo ang 10 sa kanilang huling 15 laban bago ang All-Star break para manguna sa Central Division.

At ang nanguna sa Chicago ay ang kanilang MVP point guard na si Rose, isang player na hindi halos nakalaro sa nakaraang dalawang seasons bunga ng injury sa mga tuhod.

“I’m just letting my game come to me,” sabi ni Rose. “That’s all I’m doing. I’m being patient with the ball. ... I’m trying to read the defense and pass the ball to the right people that are open.”

Kapwa hindi nakalaro ang mga key players ng Bulls at ng Cavaliers. Wala si Jimmy Butler (strained right shoulder) para sa Chicago at si Kevin Love (abrasion in his right eye) sa panig ng Cleveland.

Show comments