^

PM Sports

Barako ‘di umubra sa Talk ‘n Text

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Talagang nasubukan ng husto ang Barako Bull sa Talk ‘N Text at hindi nila ito matagumpay na nalampasan.

Nagsalpak sina Larry Fonacier at Jayson Castro ng apat na three-point shot sa fourth quarter para ihatid ang Tropang Texters sa 80-75 panalo laban sa Energy sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Diniskaril ng Talk ‘N Text ang hangarin ng Barako Bull na muling makasosyo ang Meralco at nagdedepensang Purefoods sa liderato.

Matapos tumabla ang Energy sa 69-69 sa 6:21 minuto ng final canto ay tumipa sina Castro at Fonacier ng magkahiwalay na tres para ibigay sa Tropang Texters ang 76-70 abante sa 3:34 minuto nito.

Huling nakalapit ang Barako Bull sa 73-76 buhat sa dalawang free throws ni 7-foot-2 import Solomon Alabi sa 2:27 minuto.

Ang tres ni Castro ang muling naglayo sa Talk ‘N Text, nagposte ng 11-point lead, 33-22, sa second pe-riod, sa 79-73 sa huling 2:03 minuto ng labanan.

“We still have to get better. We had a good first half but I don’t think we did good in the second half,” sabi ni coach Jong Uichico, nakahugot ng 16 points kay Castro kasunod ang 15 ni rookie Matt Ganuelas-Rosser at 13 kay Willie Miller.

Kasalukuyan pang naglalaro ang Barangay Ginebra at ang Kia ni playing coach Manny Pacquiao habang isinusulat ito kung saan target ng Gin Kings ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-2 panimula.

Samantala, inaasa-hang pormal na ihahayag bukas ni PBA Commissioner Chito Salud ang kanyang pagbaba sa posisyon sa isang double-header sa Big Dome.

Tatapusin ni Salud, pumalit kay Sonny Bar-rios noong 2010, ang kasalukuyang PBA season.                    

TALK N’ TEXT 80 - Castro 16, Rosser 15, Miller 13, De Ocampo 11, Howell 11, Fonacier 10, Alas 4, Washington 0, Carey 0, Labagala 0, Espiritu 0, Reyes R. J. 0, Aban 0.

Barako Bull 75 - Alabi 21, Lastimosa 16, Pascual 12, Garcia 8, Intal 7, Lanete 5, Wilson 4, Marcelo 2, Chua 0, Salvador 0, Hubalde 0, Salva 0, Paredes 0, Sorongon 0.

Quarterscores: 25-19; 47-37; 62-59; 80-75.

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BIG DOME

COMMISSIONER CHITO SALUD

DE OCAMPO

FONACIER

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with