Celtics lusot sa Hawks; Cavs bumawi sa Miami

BOSTON -- Hindi kon­tento si Boston Cel­tics coach Brad Stevens sa naitalang comeback vic­tory laban sa Eastern Conference-leading na At­lanta Hawks.

“For 47 minutes, 59.8 seconds, we were the lo­sing team,’’ sabi ni Stevens matapos ang scoop shot ni Evan Turner sa huling 0.2 segundo na nag-akay sa Celtics sa 89-88 paglusot kontra sa Hawks.

Ito lamang ang pa-ngatlong pagkatalo ng At­lanta sa calendar year, ngunit ang mga ito ay nangyari sa loob ng 10 araw makaraang magposte ng 19-game winning streak para sa best record sa NBA.

“I don’t think they played their best game,’’ ani Stevens. “They’ve been on the road for three games; they’ve had a mi­ra­culous couple of months of basketball. They missed some shots late, and we were fortunate.’’

Nagtala si Jared Sullinger ng 17 points at 15 rebounds para sa Celtics, naipanalo ang apat sa huli nilang limang laro.

Tumapos naman si Turner na may 12 points, 9 assists at 7 rebounds.

Humakot si Al Horford ng 22 points at 12 rebounds sa panig ng Hawks, may pinakamara­ming panalo pa rin sa NBA at magpapadala sila ng NBA record-tying na apat na players sa All-Star Game sa New York.

Ang huling koponan na nakapagpasok ng apat na players sa All-Star roster ay ang Boston noong 2011.

Sa Cleveland, umiskor si LeBron James ng 18 points laban sa kanyang mga dating teammates at anim pang Cavaliers ang umiskor sa double figures para talunin ang Miami Heat, 113-93.

Ito ang pang-14 panalo ng Cleveland sa nakaraang 15 laro.

Umiskor si Timofey Mozgov ng 20 points kasunod ang 17 ni Tristan Thomson para sa huling home game ng Cavaliers bago ang  All-Star break.

Dahil sa panalo, nai­ganti ng Cavs ang ka­nilang Christmas Day loss sa Miami na siyang unang laro ni James kontra sa Heat na inihatid niya sa dalawang titulo at apat na sunod na Finals.

Show comments