SUBIC BAY, Philippines --Idaraos ng NCAA, sa pakiki-pagtulungan sa The Lighthouse Marina Resort sa Subic Bay, ang 90th NCAA beach volleyball tournament ngayon sa Baywalk sa Subic Bay sa Olongapo City.
Idedepensa ng San Sebastian ang women’s title sa pamumuno ni Shakey’s V-League veteran Gretchel Soltones kasama sina Denice Lim at Bea Uy.
Isa kina Lim at Uy ang papalit kay Czarina Berbano, nakatambal ni Soltones sa pagsikwat sa korona noong nakaraang season.
Itataya naman ng College of St. Benilde, babanderahan ni Johnvic de Guzman, ang men’s crown kagaya ng Arellano University sa high school division.
Inaasahan ni Letran athletic moderator Fr. Vic Calvo, OP na magiging exciting ang mga laban sa Subic.
“This will actually be the third time we’re going here in Subic after we hold beach volley and basketball games here two seasons ago,” sabi ni Letran athletic moderator Fr. Vic Calvo, OP, kasama si NCAA Management Committee chair Paul Supan ng Jose Rizal at iba pang board representatives.