^

PM Sports

Paul pinagmulta ng $25K dahil sa paninigaw sa babaeng referee

Pang-masa

NEW YORK – Pinagmulta si Los Angeles Clippers guard Chris Paul ng $25,000 dahil sa paninigaw sa babaeng referee matapos matalo sa Cleveland, ayon sa pahayag ng NBA nitong Sabado.

Binigyan si Paul ng technical ni rookie referee Lauren Holtkamp noong Huwebes ng gabi third quarter ng 105-94 pagkatalo ng Clippers kontra sa Cavaliers, ang larong nagkaroon ng limang technicals kontra sa Clippers.

Pagkatapos ng laro, sinabi ni Paul na ang technical sa inbounds play na “ridiculous’’ at “this (pagre-referee sa NBA) might not be for her.’’

Si Holtkamp ay isa sa dalawang babaeng referee sa NBA.

Tila may sasabihin si Paul sa referee habang naghihintay ng inbound pass matapos ang free throw ng Cavaliers.

Sinabi ni Paul na galit lamang siya sa tawag kaya nasabi niya iyon.

BINIGYAN

CHRIS PAUL

HUWEBES

LAUREN HOLTKAMP

LOS ANGELES CLIPPERS

PAGKATAPOS

PINAGMULTA

SABADO

SI HOLTKAMP

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with