^

PM Sports

MVPSF Sports Patron of the Year

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagama’t mas kilala siya sa pagtangkilik sa basketball, ibinigay din ni businessman-sportsman Manny V. Pangilinan ang kanyang suporta sa iba pang sports sa pamamagitan ng isang foundation na nagsisilbing ‘driving force’ para sa paunlaran ng mga world class Filipino athletes.

Mula dito, itinatag ang MVP Sports Foundation Inc. apat na taon na ang nakakalipas na may misyong matulungan ang grassroots development at elite programs ng walong national sports associations.

Maliban sa basketball, ang iba pang sports na nasa ilalim ng naturang foundation ay ang boxing, taekwondo, badminton, football, cycling, tennis at running.

“Here’s a perfect opportunity, a perfect vehicle to further help Phi-lippine sports, while at the same time, encourage everyone to live like a winner by leading a more active and healthier lifestyle,” sabi ni Pangilinan nang ilunsad ang foundation noong 2011.

Unti-unti ay nakakamit ni Pangilinan ang mga resulta.

Tumapos ang Gilas Pilipinas bilang runner-up sa 2013 Fiba-Asia Men’s Championship at nakakuha ng tiket para sa Fiba World Cup sa unang pagkakataon matapos ang apat na dekada, ang Philippine Azkals ay pinakamahusay na football team sa Southeast Asian region at nagbigay ang cycling ng kauna-unahang gold medal sa Asian Games mula kay BMX rider Daniel Caluag.

Sa pagkilala sa kanyang naibigay sa Philippine sport sa maikling panahon, gagawaran ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang MVP Sports Foundation Inc. ng kauna-unahang Sports Patron of the Year honor sa Annual Awards Night na inihahandog ng Milo at San Miguel Corp sa susunod na linggo sa 1Esplanade  sa Mall of Asia Complex.

Si Caluag, ang gold medal winner ng bansa sa Incheon Asiad, ang nasa unahan ng honor list para sa Feb. 16 event, suportado ng Smart, MVP Sports Foundation at ng Meralco bilang principal sponsors at ang Philippine Sports Commission bilang major sponsor, dahil ang 27-anyos na siklista ang tatanggap ng PSA Athlete of the Year award.

Ang MVP Sports Foundation Inc. ay kabilang naman sa mga personalities at entities na kikilalanin sa Feb. 16 event na itinataguyod din ng PAGCOR, ICTSI, Rain or Shine, PCSO, PBA, Maynilad, Accel, National University, El Jose Catering, Air21 at ng Globalport.

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIAN GAMES

ATHLETE OF THE YEAR

DANIEL CALUAG

EL JOSE CATERING

FEB

PANGILINAN

SPORTS

SPORTS FOUNDATION INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with