Trail Blazers pinabagsak ang Jazz

PORTLAND, Ore. -- Sa pagbabalik sa aksyon ni center Robin Lopez, mas naging komportable ang Trail Blazers.

At maski ang pagbangon ng Utah Jazz sa dulo ng laro ay hindi na nakumpleto.

“I think everybody was just more comfortable knowing he was out there,’’ sabi ni guard Damian Lillard, umiskor ng 25 points para sa 103-102 pag­ta­­kas ng Portland laban sa Utah.

Nabalian si Lopez ng kanang kamay sa ka­nilang laro ng San Antonio Spurs noong Dis­yem­bre 15 at 23 laro ang iniupo ng 7-foot-center.

Nanggaling ang Blazers sa tatlong sunod na ka­­malasan.

Matapos agawin ang kalamangan sa pagsisi­mu­la ng fourth quarter, tumipa si Wesley Matthews ng dalawang sunod na 3-pointers para ibigay sa Blazers ang 98-89 abante sa 3:26 minuto ng laro.

Ang tres ni Gordon Hayward ang naglapit sa Jazz sa 96-99 bago ang layup ni Lillard para mu­ling ilayo ang Blazers sa 101-96.

Kumonekta si Joe Ingles ng isang tres para sa 99-101 agwat ng Utah sa huling 9.9 segundo.

Tumapos si LaMarcus Aldridge na may 22 points at 11 rebounds, habang humakot si Lopez ng 11 points at 6 rebounds.

Umiskor naman si Hayward ng 27 points sa pa­nig ng Jazz, nagmula sa 110-100 panalo laban sa Gol­den State Warriors.

Sa Sacramento, humugot ang Warriors ng 23 points at 9 assists kay guard Stephen Curry para ta­­lunin ang Sacramento Kings, 121-96.

Winalis ng Warriors ang kanilang season series ng Kings sa ikalawang sunod na taon.

Kumamada si Klay Thompson ng 14 points pa­ra sa Warriors.

Hindi pinaiskor ng Golden State ang Sacramento ng higit sa pitong minuto sa pagtatapos ng first quarter at sa pagsisimula ng second quarter pa­ra magposte ng 18-point lead.

Lumamang ang Warriors ng 21 points sa first half at 25 points sa third quarter bago biguin ang pag­bangon ng Kings sa fourth period.

Nauna nang winakasan ng Sacramento ang ka­nilang eight-game losing skid matapos talunin ang Indiana Pacers noong Sabado at umasang magagamit ito sa pagharap sa Golden State.

Nagposte si DeMarcus Cousins ng 26 points at 11 rebounds, habang may 20 points si Rudy Gay para sa Kings.

Show comments