MANILA, Philippines - Hindi makapaniwala si assistant coach Chito Victolero na makakayang talunin ng Kia ang bigating San Miguel.
Lalo pa at nanggaling ang Beermen ni mentor Leo Austria sa paghahari sa nakaraang PBA Philippine Cup.
“Medyo off lang ‘yung San Miguel ngayon. One week pa lang silang nag-eensayo, tapos ‘yung import (Ronald Roberts) nila kararating lang,” sabi ni Victolero sa Beermen.
Pinabagsak ng Kia ang San Miguel, 88-78, sa kabila ng pagkawala ni 7-foot-4 import PJ Ramos sa 4:37 minuto ng laro dahil sa ikaanim na foul sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang unang panalo ng Carnival ni playing coach Manny Pacquiao, kasalukuyang nasa US, matapos ang 0-2 panimula sa komperensya.
Umiskor si Ramos ng 22 points at nagdagdag sina point guard LA Revilla, Mark Yee at JR Cawaling ng 12, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.
Matapos kunin ang 21-17 bentahe sa first period ay pinalobo ng Kia ang kanilang kalamangan sa 65-47 sa third quarter.
Nakamit ni Ramos ang kanyang ikaanim at huling foul sa 4:37 minuto ng final canto kung saan humahabol ang San Miguel sa 69-75 agwat.
Mula sa 70-75 pagdikit ng Beermen ay lumayo ang Kia sa 81-70.
KIA 88 - Ramos 22, Revilla 12, Yee 11, Cawaling 10, Avenido 9, Pascual 8, Dehesa 5, Burtscher 4, Buensuceso 4, Poligrates 3, Webb 0, Padilla 0, Alvarez 0, Ighalo 0.
San Miguel 78 - Fajardo 18, Roberts 18, Santos 14, Lutz 8, Tubid 7, Ross 5, Lassiter 4, Cabagnot 2, Pascual 2, Maierhofer 0, Kramer 0, Omolon 0, Fortuna 0, Semerad 0.
Quarterscores: 21-17; 46-35; 67-53; 88-78.