Kiamco hari sa Derby City Classic

MANILA, Philippines – Tinapos ni Warren Kiam­co ang kawalan ng malaking panalo sa lo­ob ng ilang taon nang pag­harian ang Derby City Clas­sic 9-Ball na ginawa sa Horseshoe Southern Indiana Resort and Casino, Elizabeth, Indiana.

Tinalo ni Kiamco ang dating kababayan na nagbalik sa Canada na si Alex Pagulayan sa ikalawang ta­patan para maibulsa ang premyong $16,000.

Ito ang pinakamala­king panalo na nakuha ni Kiamco matapos ang $12,000 na napanalunan nang pumangalawa sa World Classic 10-ball no­ong 2009.

Naunang kumabig ng 13 sunod na panalo si Kiamco para harapin sa finals si Pagulayan na may isang talo na.

Nangibabaw si Pagulayan sa unang paghaharap, 9-4, pero nakabalik si Kiamco sa kanyang buy-back option.

Sa ikalawa at hu­ling laro ay naging matatag si Kiamco at isinantabi ang pagdikit ng katunggali sa 8-7 iskor nang naipasok ang 7-9 kumbinasyon pa­ra sa 9-7 pananaig. (AT)

Show comments