MANILA, Philippines - Kung hindi tutulong ang Baseball Federation of Asia (BFA) sa magiging gastusin ay hindi na itutuloy ng Pilipinas ang hosting ng East Asia Baseball Championship sa Marso.
Ito ang sinabi ni Phi-lippine Amateur Baseball Association (PABA) president Marty Eizmendi upang mawalan na ng pag-lalaruang kompetisyon ang mga baseball players sa taong 2015.
“Nag-host tayo last year ng Asian U-12 Championship at ako ang gumastos dito at hindi na kakayanin kung magho-host pa tayo uli. Sinabi ko na ito sa BFA and unless na sinabi ng BFA na tutulong sila sa gastos, wala tayong hosting,” wika ni Eizmendi.
Isang pagpupulong ang gagawin ng BFA sa Pebrero at inaasahang ihahayag nila ang desisyon sa hosting ng kompetisyon kung anong bansa ang kukuha nito.
Ang East Asia Championship lamang ang baseball event na puwedeng salihan ng Pilipinas dahil hindi kasama ang baseball sa SEA Games sa Singapore.
Si Eizmendi ang may basbas bilang pangulo ng PABA ng Philippine Olympic Committee (POC) para mawalang-saysay ang nangyaring General Assembly noong Oktubre. (AT)