Malakas ang laban ng Pinas na maging host ng 2019 FIBA World Cup
MANILA, Philippines - Positibo ang naging pahayag ni FIBA secretary-general Patrick Baumann at ng three-man FIBA evaluation committee na pinamumunuan ni Lubomir Kotleba matapos ang isinagawa nilang occular inspection sa mga pasilidad na posibleng magamit ng Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup.
Inilarawan ni Kotleba, isang long-time FIBA ambassador ng quality officiating at da-ting FIBA referee na nag-officiate sa dalawang finals ng kanyang tatlong Olympics stint, ang Philippine bid bilang “highly competitive.”
Dumating ang eva-luation committee sa bansa noong Lunes at kaagad nagsagawa ng inspeksyon sa mga pasilidad na ipinapanukala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na gamitin para sa 2019 tournament. Nagtungo rin ang grupo sa Cebu para tingnan ang lugar na pagtatayuan ng SM Cebu Arena.
Ang komite ay binubuo nina Kotleba, ang FIBA director general ng media at marketing services na si Frank Leenders at si FIBA director of events Predrag Bogosavljev.
Dumating naman sa bansa si Baumann kahapon para makipag-usap sa komite at sa mga SBP officials.
Ngayong umaga ay magkakaroon ng presentasyon ang SBP kay Baumann at sa komite para tiyakin ang suporta ng PLDT para sa komunikasyon, Meralco para sa kuryenter, Maynilad para sa tubig at Metro Pacific Tollways para sa road access ukol sa pagdaraos ng World Cup.
Kamakalawa ng gabi ay pinamunuan ni PLDT chairman/SBP president Manny V. Pangilinan ang isang hapunan para sa komite kasama ang mga major basketball stakeholders na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Sen. Sonny Angara, Rep. Robbie Puno, Rep. Anthony del Rosario, Mayor Oscar Moreno ng Cagayan de Oro, Mayor Monico Puentevella ng Bacolod, PNP senior superintendent at chief of police community relations Carlos de Sagun, MMDA chairman Francis Tolentino, GAB commissioner Aquil Tamano, Fr. Paul de Vera ng San Beda College, BEST founder Nic Jorge, former PBA player at Zamboanga SBP director Pedro Alfaro, Maynilad president/SBP vice chairman Ricky Vargas, Maynilad senior vice president/PBA chairman Patrick Gregorio, Meralco president Oscar Reyes, Meralco senior vice president/MVP Sports Foundation president Al Panlilio, TV5 president Noel Lorenzana, TV5 Sports head/MVP Sports Foundation executive director Chot Reyes, Metro Pacific Tollways president Ramoncito Fernandez, NLEX president Rod Franco, PLDT executive vice president/PLDT Home head Ariel Fermin, PSC commissioner Iggy Clavecilla, POC secretary-general Steve Hontiveros, Alaska team manager Dickie Bachmann, Ever Bilena chairman/Blackwater team owner Dioceldo Sy, Blackwater PBA governor Silliman Sy, Blackwater PBA alternate governor Wilbert Loa, Ricky Palou ng Ateneo, Nongnong Calanog of La Salle, Atty. Paul Gueco, Dr. Raffy Bejar at MVP executive assistant Abet Dungo.
Ipinaliwanag ni Kot-leba sa grupo na magsasagawa ang FIBA ng pagbabago at gagamitin ang bagong konsepto para sa 2019 World Cup.
Sinabi niyang ang FIBA World Cup ang magiging pangunahing direct qualification para sa 2020 Olympics.
Binanggit ni Kotleba ang kahalagahan ng pagsuporta ng buong bansa sa bid para pamahalaan ang World Cup. (QH)
- Latest