MANILA, Philippines - Asahan na magiging mahigpitan ang tagisan sa hanay ng mga magsisisa-ling bansa sa Philippine Open Invitational Athle-tics Championships sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.
Ang kompetisyong gagawin mula Marso 19 hanggang 22 na itatagu-yod ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ay lalahukan ng 12 bansa at gagamitin din ng mga South East Asian countries sa pagpili ng mga manlalarong isasali sa SEA Games sa Singapore sa Hunyo.
“There will pressure because the participa-ting SEA countries will be using the event as part of the selection process. Kaya magkakasubukan dito,” wika ni PATAFA president Philip Ella Juico nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Ang mga bansang Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Singapore, Myanmar at Brunei ang mga SEA countries na nagpatala upang samahan ang mga manlalaro ng Japan, Korea, Hong Kong at Chinese Taipei.
Aabot sa 46 events ang paglalabanan sa apat na araw na kompetisyon at inaasahang ipaparada ng Pilipinas ang mga pambato tulad nina da-ting SEA Games long jump queen Marestella Torres at mga Myanmar SEA Games gold medalist Henry Dagmil, Christopher Ulboc, Jesson Cid, Eric Cray at Archand Bagsit para sa hangad na gintong medalya.
Sinamahan si Juico ng iba pang PATAFA officials na sina Vice President Atty. Nicanor Sering, secretary-general Renato Unso, VP for Administration Cham Teng Young at Marketing director Edward Kho. (AT)