Grizzlies dinurog ang 76ers

MEMPHIS, Tenn. – Mas matindi ang eksper-yensa ng Memphis Grizz-lies kaysa sa mga batang Philadelphia 76ers.

Humakot si Zach Randolph ng 17 points at 14 rebounds at nagdagdag ng 18 markers si Jeff Green para tulungan ang Grizzlies sa 101-83 pana-nalasa sa 76ers.

“They have a bunch of veterans who know how to play the game,’’ sabi ni Sixers guard Michael Carter-Williams, umiskor ng 10 points. “They’re a tough team and we’re a young team.’’

Nag-ambag si Vince Carter ng 13 points para sa ikaanim na panalo ng Grizzlies (31-12) sa kanilang huling pitong laro.

Lumamang ang Memphis ng 25 puntos sa se-cond half na nagbigay kay coach Dave Joerger ng pagkakataon na ipahinga ang kanyang mga starters sa fourth quarter.

Tumapos si Marc Gasol, napili bilang All-Star starter, na may 9 points kagaya ni point guard Mike Conley.

Pinamunuan naman ni Jerami Grant mula sa Sy-racuse, ang 39th overall pick sa nakaraang draft, ang Sixers sa kanyang career-high na 16 points.

Napuwersa ang Sixers sa 24 turnovers.

Sa Portland, Oregon, Tumanggi si LaMarcus Aldridge na sumailalim sa thumb surgery at tinu-lungan niya ang Trail Bla-zers sa 103-96 panalo laban sa Washington.

Pinalawig ng Blazers ang kanilang pangunguna sa NBA Northwest Division, habang pumangalawa ang Wizards sa Eastern Conference sa ilalim ng Atlanta.

Show comments