LOS ANGELES – Napunit rotator cuff sa kanang balikat ni Kobe Bryant sa nakaraang pagkatalo ng LA Lakers kontra sa New Orleans nitong Miyerkules, ayon sa pahayag ng team.
Nangyari ang injury ni Bryant sa second half ng laro ng mag-drive ito sa baseline para sa two-handed dunk.
Sa MRI exam nitong Huwebes sa San Antonio, nakita ang punit sa balikat ni Bryant kaya pinauwi na siya sa Los Angeles habang naghanda naman ang kanyang koponan sa pagharap sa Spurs na hindi siya kasama.
Inaasahang maglalabas ng update ang Lakers sa kondisyon ni Bryant anumang araw.
Tumangging magsalita si Lakers coach Byron Scott gayundin ang team ukol sa injury ni Bryant ngunit karamihan sa nagkaka-injury sa rotator cuff ay nangangailangan ng operasyon at kailangan din ng mahabang pahinga para sa rehabilitation.
Si Bryant ay kilalang may mataas na pain tolerance at nagagawa niyang maglaro kahit na may injury ngunit nililimitahan na ng Lakers ang kanyang playing time na siyang dahilan para humina ang 16-time NBA champion club.