^

PM Sports

Meralco Bolts wala pang import

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tanging ang Meralco na lamang ang koponang wala pang ipaparadang reinforcement para sa darating na 2014-2015 PBA Commissioner’s Cup na magbubukas sa Enero 27.

Ito ay matapos silang maunahan ng Ginebra Gin Kings sa serbisyo ni dating Air21 Express import Michael Dunigan.

Ayon kay Barangay Ginebra team manager Alfrancis Chua, pumirma na ng kontrata sa kanila ang 6-foot-9 na si Dunigan at nakatakdang dumating sa bansa ngayong linggo.

Binanderahan ni Dunigan ang Express sa quarterfinal round ng 2013 Commissioner’s Cup mula sa kanyang mga averages na 23.9 points, 15.4 rebounds, 3.3 assists at 2.4 blocks sa 15 laro.

Kumakampanya si Dunigan para sa koponan ng Canton Charge sa NBA D-League kung saan siya may mga ave-rages na 11.8 points, 7.1 rebounds, 1.1 assists at 1.4 blocks.

Tatapusin ni Dunigan ang D-League Showcase sa Santa Cruz, Ca-lifornia bago magtungo sa bansa para makasama ang Gin Kings at si head coach Ato Agustin, pumalit kay Jeffrey Cariaso.

Ang iba pang imports na matutung-hayan sa PBA Commissioner’s Cup ay sina Marqus Blakely ng nagdedepensang Purefoods, Richard Howell (Talk ‘N Text), DJ Covington (Alaska), Arinze Onuaku (San Miguel), PJ Ramos (Kia), Solomon Alabi (Barako Bull), Chris Charles (Blackwater), Al Thornton (NLEX), Kenny Adeleke (Rain or Shine) at CJ Leslie (Globalport).

Maliban kay Dunigan, ang iba pang balik-imports ay sina Blakely at Ho-well.

AL THORNTON

ALFRANCIS CHUA

ARINZE ONUAKU

ATO AGUSTIN

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CANTON CHARGE

CHRIS CHARLES

D-LEAGUE SHOWCASE

DUNIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with