Adamson at NU bumandera sa UAAP men’s chess

MANILA, Philippines - Nagsosyo sa liderato ang Adamson University at National University sa men’s division, habang bumandera na­man ang Far Eastern University sa women’s class sa UAAP Season 77 chess tournament na idinaos sa 4th floor ng Henry Sy Bldg. sa De La Salle University cam­pus.

Nagsulong ang Falcons ng 2.5-1.5 panalo laban sa University of Santo Tomas sa opening round kasunod ang paggupo sa University of the Philippines, 3.5-1.5, sa second round.

Sa pamumuno ni 2014 Rookie of the Year Austin Literatus, pi­natumba naman ng Bulldogs ang Ateneo, 3-1, sa first round bago isinunod ang defending champion Far Eastern Uni­versity, 3-1, sa se­cond round.

Nagtala ang Adam­son, ang runner-up no­ong nakaraang taon, ng 6.0 points kagaya ng NU kasunod ang UST (5.5).

Sumandal naman ang Lady Tamaraws sa pa­nalo ni WIM Janelle Mae Frayna laban kay MVP at WIM Jan Jodilyn Fronda sa Board 1 para daigin ang De La Salle, 2.5-1.5, sa ope­ning round bago payu­ku­rin ang University of the East, 3-1, sa second round.

Nagposte ang FEU ng 5.5 points kasunod ang Lady Archers (5.0) na tumalo sa NU, 3.5-.5.

Magkasalo ngayon ang Tig­resses at ang Lady Bulldogs sa ikatlong puwesto mula sa mag­ka­tulad nilang 4.5 points.

 

Show comments