^

PM Sports

Dalawang bigating karera pakakawalan sa Santa Ana

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mga kabayong may edad na 3-anyos ang kuku­ha ng atensyon sa unang dalawang malalaking pa­ka­rera ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa taong 2015.

Gagawin ito sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayon at bukas at tatawaging 2015 Philracom 3YO Local Fillies at Colts Stakes.

Sa 1,300-metro distansya paglalabanan ang da­lawang karera at may pitong kabayo ang magsusukatan sa fillies ngayong hapon.

Ang mga kabayong ito at mga hineteng didis­kar­te ay ang Burbank ni Jordan Cordova, Hurricane Ridge ni Jeff Zarate, Princess Ella ni Jonathan Hernandez, Dauntless ni Rodeo Fernandez, Prin­cess Meili ni Mark Alvarez, One Eyed Jane ni Fernando Raquel Jr. at Bungangera ni Jeff Bacaycay.

Sa kabilang banda, limang kabayo ang magpa­paligsahan sa hanay ng mga colts bukas at ito ay ang Super Spicy ni Raquel, Thunder Maxx ni Christopher Garganta, Jebel Ali ni Val Dilema, Show Time ni Jan Alvin Guce at Breaking Bad ni Do­minador Borbe Jr.

Sinahugan ng Philracom ng tig-P500,000.00 ka­buuang premyo at ang mananalo ay magkakamit ng P300,000.00.

Tatanggapin ng pa­pa­ngalawang kabayo ang P112,500.00, ha­bang may P62,500.00 at P25,000.00 ang ma­ku­­kuha ng papangatlo at papang-apat.

Ang winning breeder ay may P15,000.00 gantimpala.

Magagamit ng mga horse owners ang karerang ito bilang bahagi ng paghahanda sa gaga­naping 2015 Triple Crown Championship sa Mayo.

Sa paglipat ng karera sa Metro Turf sa Malvar, Batangas sa Enero 25 ay paglalabanan naman ang 2015 Philracom Com­missioner’s Cup na bukas para sa mga ka­bayong may edad apat na taon pataas.

Sa 1,800-metro dis­tan­sya gagawin ang ka­­rera at inaasahang ma­­kikita rito ang nagdo­mi­nang Hagdang Bato.

BORBE JR.

BREAKING BAD

CHRISTOPHER GARGANTA

COLTS STAKES

FERNANDO RAQUEL JR.

HAGDANG BATO

HURRICANE RIDGE

PHILRACOM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with