PHOENIX – Sabik na sabik magbalik laro si LeBron James matapos matengga ng dalawang linggo ngunit nabigo siyang ihatid ang Cleveland sa panalo.
Umiskor si James ng 33 points ngunit nalasap pa rin ng Cleveland ang ikaanim na sunod na talo matapos ang 107-100 pag-yukod sa Phoenix Suns nitong Martes ng gabi.
Nagpakita si James ng kanyang mga slam dunks, acrobatic drives at three-point shots.
“I couldn’t make those moves two weeks ago,” wika ni James. “For me to come back and feel like myself again is pretty cool.”
Umiskor si Markieff Morris ng career-high na 35 points mula sa 15-of-21 shooting para sa tagum-pay ng Suns na inungusan ang Cavs sa scoring, 11-3, sa huling 3:31 minuto ng fourth quarter.
Nakabangon ang Ca-valiers mula sa 19-point, third-quarter deficit para makauna sa fourth period.
Kumamada si J.R. Smith, nakasama ng Ca-valiers nang magpahinga ng dalawang linggo si James, ng 29 points buhat sa 8-of-14 shooting sa three-point line.
Sa Los Angeles, humugot si Mario Chalmers ng siyam sa kanyang 19 points sa fourth quarter, habang nagdagdag ng 15 points si Hassan Whiteside para kumpletuhin ng Miami Heat ang Staples Center sweep sa 78-75 panalo sa Los Angeles Lakers.
Tumipa si Chris Bosh ng 8 points mula sa 4-of-17 shooting para sa Heat, nauna nang tinalo ang LA Clippers dalawang araw na ang nakakaraan.
Nanalo rin ang Heat sa Lakers kahit na nagkaroon si Dwyane Wade ng strained left hamstring sa first half.
Tumapos si Wade na may 4 points sa loob ng 14 minuto.
Hindi nakapaglaro ang three-time NBA champion ng pitong games ng Miami noong November dahil sa hamstring strain.
Umiskor naman si Kobe Bryant ng 12 points galing sa 3-of-19 shooting sa kanyang pagbabalik sa Lakers’ lineup matapos ipahinga ang tatlo sa huling apat na laro ng kanyang koponan.
Ang three-point shot ni Bryant sa huling 31 segundo ang naglapit sa Lakers sa tatlong puntos na agwat ngunit naimintis ang isang potensyal na tres na siya sanang nagtabla sa kanila sa natitirang dalawang segundo.
Nagdagdag sina Ed Davis at Jordan Hill ng tig-12 points para sa La-kers, naipatalo ang walo sa kanilang huling 11 laban.
Sa iba pang resulta, giniba ng Minnesota ang Indiana, 110-101; inilampaso ng Atlanta ang Philadelphia, 105-87; tinalo ng Wa-shington ang San Antonio, 101-93; dinaig ng Golden State ang Utah, 116-105; at tinakasan ng Dallas ang Sacramento, 108-104.