Inspirasyon ng Aces si Menk, sa Game 4 vs SMBeer
MANILA, Philippines - Tanging si veteran forward Eric Menk lamang ang player ng Alaska nga-yon na may championship ring ng All-Filipino Conference sa kanyang daliri.
Sinabi ni head coach Alex Compton na ito ang nagsisilbi nilang ‘motivation’ sa pagsagupa sa San Miguel sa 2014-2015 PBA Philippine Cup Finals.
“Sa lahat ng mga players namin, si Eric Menk lang ang may singsing (All Filipino),” wika ni Compton sa naturang championship ring ng 40-anyos na si Menk na kanyang nakamit noong 2005 para sa Barangay Ginebra. “Maybe that’s a good motivation.”
Bitbit ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series, tatangkain ng Aces na makalapit sa kanilang minimithing korona sa pagharap sa Beermen sa Game Four ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Bumangon ang Alaska mula sa 21-point deficit sa third period para balikan ang San Miguel, 78-70 sa Game Three noong nakaraang Linggo.
Sa naturang tagumpay ay sina 6-foot-8 Sonny Thoss at guard Ping Exciminiano ang umagapay para sa Aces sa final canto.
Humugot ang 33-anyos na slotman ng walo sa kanyang 10 points sa payoff period at nag-ambag si Exciminiano ng 8 markers at 3 assists sa loob ng 16 minuto.
Bagama’t angat sa serye ay hindi pa rin dapat magkumpiyansa ang Alaska sa Game Four.
“Like what coach said, it doesn’t mean anything, it’s just 2-1,” ani Thoss na mahigpit na depensa uli ang ibibigay kay Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel. “We’ve got to take it one game at a time. And for us to take advantage of this, we’ve got to play the next game with the same defensive mindset.”
Aminado si Beermen mentor Leo Austria na siya ang dapat sisihin sa naturang pagkulapso ng koponan sa fourth quarter.
Nagtala ang San Miguel ng kabuuang 16 turnovers kung saan ang anim dito ay nangyari sa fourth period nang ungusan ng Alaska ang San Miguel sa pag-iskor, 32-6.
“This is a long series and we’re capable of winning,” ani Austria. “The potential is there and it’s up to us. But I can only do so much.”
- Latest