MANILA, Philippines – Nagtala ng sweep ang Perpetual Help upang makasulong sa juniors finals habang magkaibang daan naman ang tinahak ng Arellano University at San Sebastian upang maisaayos ang women’s title showdown sa 90th NCAA volleyball tournament na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Pinabagsak ng Junior Altas ang Staglets, 25-18, 25-23, 24-26, 25-11 para sumulong sa best-of-three showdown para sa high school crown kontra sa Lyceum Junior Pirates na nanalo via default kontra sa Emilio Aguinaldo Brigadiers para makapasok sa finals.
“Now that we’ve accomplished our initial goal to make the finals, we’re now focused on winning the title,” sabi ni Perpetual coach Sandy Rietana hangad na ihatid ang Las Piñas-based school sa titulo sapul nang manalo ng back-to-back, tatlong season na ang nakakaraan.
Pumasok naman ang San Sebastian sa women’s finals matapos igupo ang Perpetual, 25-22, 25-20, 25-19 habang iginupo ng Arellano ang College of St. Benilde sa 16-25, 22-25, 25-12, 25-12, 12-15 decision.
Nagtapos ang Lady Stags at Lady Chiefs na kasama sa three-way ang Lady Blazers ngunit sila ang lumabas na maghaharap sa finals matapos magtaglay ng mataas na tiebreak scores.
Magpapahinga muna ang NCAA para sa Papal visit at gagawin ang Game One sa The Arena sa Jan. 21 habang ang Game Two ay sa Jan. 23.