MANILA, Philippines - Nagbigay ang Alaska ng 32 fouls na nagresulta sa 20-of-25 free throws ng San Miguel sa Game Two noong Biyernes.
Ito ang isa sa mga bagay na naging dahilan ng 86-100 kabiguan ng Aces sa Beermen sa 2014-2015 PBA Philippine Cup Finals.
“We had some defensive breakdowns, and obviously, 32 fouls (of Alaska) and (San Miguel’s) 22 fouls is not good and we gave them (Beermen) 20-of-25 free throws, and that doesn’t help us win,” ani Alaska coach Alex Compton.
Tatangkain ng Aces at ng Beermen na basagin ang 1-1 pagkakatabla sa kanilang best-of-seven championship series sa Game Three ngayong alas-5 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sinabi naman ni San Miguel mentor Leo Austria na mas naging pisikal lamang sila sa Game Two kaya sila nakabawi sa Alaska.
“I think we got a little more physical this time. Despite the high intensity of their defense, we were able to break it to some extent,” wika ni Austria.
Sa pagresbak ng San Miguel ay naging mabangis sina 6-foot-10 June Mar Fajardo, Arwind Santos, Chris Lutz at Chris Ross.
Nakipaglaban si Fajardo kina 6’9 Sonny Thoss at 6’6 Eric Menk sa shaded lane, habang lumaban nang sabayan si Santos kay Calvin Abueva kahit na naputukan sa ulo sa third period.
“We made sure that once June Mar got the ball, panira na agad,” wika ni Austria sa pagbibigay nila ng bola kay Fajardo na tumapos na may 15 points at 12 rebounds.