MANILA, Philippines - Ang matibay na depensa ang ginamit ng Perpetual Help para talunin ang elimination round leader na Lyceum, 25-18, 25-16, 25-19 at sikwatin ang unang finals berth sa juniors division ng 90th NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Umatake sina Ricky Marcos at Malden Dildil mula sa kanilang 15 at 14 hits, kasama rito ang 14 at 12 sa attacks, ayon sa pagkakasunod, para sa ikalawang sunod na panalo ng Junior Altas sa semifinals at ang unang tiket sa best-of-three championship round.
Hahataw ang championship series sa Miyerkules.
Hangad ng Perpetual ang una nilang titulo matapos ang back-to-back championships noong 2010 at 2011 at pang-pito sa kabuuan para lumapit sa 15 titulo ng San Sebastian.
Nauna nang nanaig ang Las Pinas-based spi-kers sa Emilio Aguinaldo College, 25-18, 23-25, 25-21, 25-20, noong nakaraang Miyerkules.
Ito ang unang kabiguan ng Junior Pirates ngayong season matapos magtala ng eight-game winning streak kasama ang 21-25, 25-22, 25-22, 28-26 panalo laban sa San Sebastian Staglets noong nakaraang Miyerkules.
Niresbakan ng Perpetual ang Lyceum na tumalo sa kanila, 16-25, 26-28, 25-14, 22-25, noong Nov. 25.