PORTLAND, Oregon — Kumolekta si LaMarcus Aldridge ng 24 points at 12 rebounds at gumamit ang Portland Trail Blazers ng matinding opensa sa third quarter para talunin ang Miami Heat, 99-83.
Humugot si Aldridge ng 10 points sa kanilang arangkada sa third period kung saan inungusan ng Blazers (28-8) ang Heat sa iskoran, 33-16.
Nagdagdag si Wesley Matthews ng 18 points, habang may 16 si Damian Lillard at 10 si Chris Kaman para sa Portland.
Humakot din ang Blazers ng 28 rebounds sa second half para pantayan ang Golden State Warriors na may pinakamaraming panalo sa NBA ngayong season.
Pinamunuan naman ni Dwyane Wade ang Miami sa kanyang 23 points.
Nag-ambag si Chris Bosh ng 18 markers, samantalang may 10 si Hassan Whiteside sa panig ng Heat (15-21).
Sa New York, tumipa si James Harden ng 25 points at 9 assists sa tatlong quarters at pinatumba ng Houston Rockets ang New York Knicks, 120-96.
Ipinalasap ng Rockets sa Knicks ang pinakamahaba nitong single-season losing streak sa 14 laro.
Natikman ng Knicks ang kanilang pang-24 kamalasan sa nakaraang 25 laro para sa kanilang NBA-worst record na 5-34.
Nagtala si Trevor Ariza ng 18 points para sa Rockets na pinaupo si Harden sa fourth quarter.