^

PM Sports

Nag-init si Thompson

Pang-masa

OAKLAND, California — Nag-init ang mga kamay ni Klay Thompson at kumayod ng 40 points, habang ipinagpag ng Golden State Warriors ang malamya nilang panimula para gibain ang Indiana Pacers, 117-102.

Naiposte ng Warriors ang kanilang pang-limang sunod na panalo.

Naglista si Thompson ng 14-of-25 shots, kasama ang 6-of-11 sa 3-point range, samantalang nagdagdag si Stephen Curry ng 21 points at season-high-tying 15 assists para sa Warriors (28-5).

Ito ang ika-13 sunod na panalo ng Warriors sa kanilang tahanan.

Lumamang ang Pacers ng 11 points sa first half bago nakatabla ang Warriors sa 50-50 sa halftime.

Binuksan ng Golden State ang third quarter mula sa pamamagitan ng 14-1 atake at hindi na nilingon pa ang Indiana hanggang sa fourth period.

Nagtala si Solomon Hill ng 21 points kasunod ang 16 ni David West sa panig ng Pacers.

Sa Atlanta, kumamada si guard Jeff Teague ng 25 points para ihatid ang Hawks sa 96-86 panalo sa Memphis Grizzlies sa sagupaan ng dalawang NBA contenders.

Nakamit ng Hawks, may best record sa Eastern Conference sa kanilang 27-8 baraha bunga ng ikaanim na sunod na panalo, habang nalaglag ang Grizzlies (25-10) sa ikatlong puwesto sa Western Conference.

DAVID WEST

EASTERN CONFERENCE

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

INDIANA PACERS

JEFF TEAGUE

KLAY THOMPSON

MEMPHIS GRIZZLIES

SA ATLANTA

SOLOMON HILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with